Tuesday, September 27, 2022

POCO F4 GT Review



Honest Review of the Poco F4 GT 12+256

This are all based from my experience using this phone.
 
My previous/other phones are Redmagic 6s Pro, Mi 11T Pro, K40 Pro, F3, F2 Pro, K20 Pro.

• Umiinit kaagad siya kahit Facebook or Youtube lang gaggawin mo. Temp goes as high as 40°c. Wala pa gaming yan. Better to set the Display's refresh rate to Custom 60hz to avoid heating. Default is set to Adaptive Refresh Rate kaya naglalaro siya sa 60hz to 120hz even while not playing a game.

• Gaming without fan goes as high as 47°c sa gaming on the Highest settings. Tried Genshin Impact, CODM, MLBB, Emulators, etc..

• Umiinit na part nya ay yung sa right part ng camera (Chipset) at middle (Battery) part. Hindi advisable ang paggamit ng case na kulob like yung sa XUNDD Beatle Case. Makukulob kasi init nya sa likod kaya maslalong iinit siya agad. Better buy a cooling case or yung may heatsink or butas sa likod.




• Speed Throttling happens when 45°c temperature is reached. Nareach ko ang highest temperature dito na 46°c while playing outside the house. Mapapansin mo na agad ang biglang pagbagsak ng FPS at hindi na siya smooth sa games, may pagkachoppy na or laggy na ang galaw. Hindi siya advisable sa long gaming kung wala ka cooling fan since magiinit siya kaagad. Huwag pilitin or ugaliing maglaro nang sobra init na ang phone at baka masira chipset sa overheating at madeadboot ito.

• Highly advisable ang paggamit ng cooling fan dito with high RPM. Gamit ko ay MEMO DL10 Cooling fan at kaya nya i-maintain ang temperature ng phone to 40°c. Never pa ako nakaexperience ng throttling habang naglalaro with a cooling fan attached. Naeexperience ko lang throttling kung wala cooling fan.

• Mabilis siya malowbat compared sa other phones ko pero mabilis naman din siya ma-full charge. Madalas 2x ako nagchacharge sa isang araw kung ginagamit ko siya sa games. Malakas talaga humigop ng battery si SD8 Gen 1.

• Maganda ang camera nya. Comparable ang camera nya sa F2 Pro at F3 pero masmaganda pa rin camera ni Mi 11T Pro. Mas buhay ang kulay ng photos or videos sa Mi 11T Pro, sa F4 GT kasi parang anemic ng konti ang kulay nya. Wala rin pala itong Audio Zoom sa video na pang Maritesan na meron sa F3 at Mi 11T Pro. Pero maganda ang selfie camera nitong F4 GT, malinaw at detailed sa video din.



• Sakto lang ang lakas ng quad speaker nya, hindi basag sa full volume. Parang masmaganda lang konti sound quality ng dual speaker ng Mi 11T Pro. Pinakamaganda sound quality sa Redmagic 6s Pro, buo at malakas lalo na sa FPS games.




• Very helpful yung Pop-Up Trigger buttons nya sa FPS games. Smooth pindutin even with case. Pwede din siya gamitin kahit hindi sa gaming, pwede mo i-map ang screenshot, camera, etc. dito. Pero mas comfortable pa rin gamitin ang AirTrigger na meron sa Redmagic 6s Pro, 7, 7s Pro.

• Very cool yung LED lights nya sa may camera part. Pwede mo pa palitan ng kulay ang mga ilaw. Iilaw lang siya kung may notification ka, while charging or kung may tumatawag. Astig sana kung pwede always on yung LED lgihts kung nakabukas ang screen or habang ginagamit ito.

• Sakto lang ang weight nitong Poco F4 GT. Hindi siya mabigat compared sa ibang gaming phones. Yung Redmagic 6s Pro ko kasi mabigat, para kang may hawak na dalawang Mi 11 Lite phones. Kaya hindi ka mangangalay kahit sa long gaming dito sa F4 GT.

• Very responsive talaga screen nya since mataas ang touch rate. Highly responsive sa bawat touch compared sa Mi 11T Pro at F3.




• Maganda screen nya since AMOLED siya. Same sa Mi 11T Pro at F3 ang screen quality. Avoid using high brightness habang naglalaro lalo na kung mainit ang phone to avoid AMOLED BURN.

• Okay din ang signal ng phone, malakas siya even sa kulob na kwarto. Sa Mi 11T Pro ko kasi 3-4 bars lang ang 4G+ ng Globe sim pero dito sa F4 GT 5 bars siya sa 4G+ sa kwarto ko.

• Maganda din siya sa calls at video calls. Malinaw naman audio at malinaw din dating ng voice ko sa kausap ko.




Verdict: Ito ang pinakamurang Snapdragon 8 Gen 1 gaming phone na mabibili mo sa market pero ang downside ay ito din ang pinakapangit ang cooling system. Bibilhin mo lang ito kung gusto mo lang talaga maexperience ang SD8 Gen1 chipset for gaming at yung Trigger buttons. For the original price na 31K (12+256) parang hindi siya sulit since merong much better gaming phone na magdadagdag ka lang ng konting halaga. Better buy lang kapag nagsale siya ng below 25K.

No comments:

Post a Comment