• MEMO DL10 is a clip type cooling fan. Not sure about the RPM of the fan since wala nakaindicate sa box about dito. Ang difference lang nito sa other cooling fan ay may external or magnetic battery ito na kinakabit para no need to plug a power cable (Type C) to power it up.
• 2,000 mAh ang capacity ng external rachargeable battery. Umaabot ng 1 hour and 30 minutes ang buhay nito sa isang full charge. It takes 2 hours and 30 minutes to fully charge the battery. Ang maganda lang dito ay pwede mo i-charge yung external battery kapag nalowbat habang nakakabit sa cooling fan at power cable (Type C). Nagchacharge siya habang nakakabit at ginagamit mo yung cooling fan in wired mode.
• Hindi ganun kalakas yung fan nya pero hindi siya maingay. Very quiet ang fan. May RGB lightning at temperature monitor kaso parang hindi accurate yung nakalagay.
• From my tests so fast kaya nito i-maintain ang temperature ng POCO F4 GT ko to a max of 41°c sa long gaming session with MAX Graphics and Refresh Rate (Tested Games: ML, CODM & Genshin Impact). Without the cooling fan, my phone's temperature goes as high as 46°c then magthrothrottle na speed ng phone ko to cool it down since nagooverheat na siya.
• Hindi naman siya ganun kabigat kaya hindi ka mangangalay kahit nakakakabit ito sa cellphone pero once na kinabit na yung external magnetic battery, parang may hawak kang dalawang Poco F4 GT. Medyo mabigat yung external battery.
• Sobrang lamig talaga ng cooling area nito. Umaabot ng 14.3°c sa lamig. Namamasa pa siya kapag pinatay mo yung fan dahil sa lamig, kala mo galing sa refrigerator.
• Kaya ng clip nito ang Poco F4 GT na may nakakabit pang cooling case or kahit yung XUNDD Beatle case, pero hindi advisable ang gumamit nito with case since hindi mo mamamaximize ang cooling capacity nito kapag may case pa.
Verdict: Sa presyo nitong P750, solid itong MEMO DL10 cooling fan specially sa long gaming with max settings sa graphics at refresh rate. Kaya nito i-maintain ang heat sa long gaming to avoid overheating ng phone. Ang selling factor dito ay yung kanyang magnetic rechargeable battery, since ito lang ata ang may ganitong feature sa mga cooling fan sa market. Cons lang na nakikita ko ay mabilis malowbat yung external battery (1 hour 30 mins) at wala siya fan speed adjustment since nakafixed siya sa medyo mahinang buga lang.
No comments:
Post a Comment