Friday, October 30, 2020

VRECOR D5 Tablet Review

Written by Marc Edward Dalmacio


Since dumating na kaninang umaga yung tablet, aking hinusgahan kaagad ito at tinesting ng ilang oras para malaman kung sulit ba ang bayad dito o hindi. Nakamura ba ako o magmumura ako?

Una sa lahat, totoong 10 inches yung tablet. Malaki siya at sakto lang naman ang bigat nya kaya hindi gaano nakakangawit hawakan. Una kong inisip agad na ang sarap ipanglaro nito at pang panood ng movies sa laki.

Ang laman ng box ay yung tablet, screen protector, charger, OTG cable at yung manual nya na hindi nakakatulong halos, in short e basura. 

Pwede mo lagyan ng 1 o 2 sim cards ang tablet para makapag text at pang data na rin kung walang wifi. May lagayan din siya ng memory card kung kukulangin ka sa space.

Ang nakakalito dito ay yung pagbukas ng sim card at memory card slot. Hindi mo talaga malalaman kung nasaan siya since walang instruction sa manual kung nasaan o kung paano ito buksan, nasa taas pala ito sa may charger port na kailangan mong tuklapin ang rubber cover para bumukas ito. Tinanong ko pa kay seller kung nasaan ito at pinadala naman agad ang video instruction kung paano ito buksan. Muntik na rin ako mahigh blood sa seller kasi nakaanggat yung parang lock nya sa likod kaya kala ko sira yung cover sa likod, yun na pala yung lagayan na hindi lang daw nila nasarado ng maigi.

Maganda naman ang screen nya, malinaw naman pero parang hindi siya IPS. Maganda naman ang quality ng screen kahit sa gilid mo tignan pero medyo magwawash ng bahagya ang colors nito. Ang masakit nga lang ay may factory defect yung screen ng nakuha kong tablet, may white bright spot sa middle ng screen. Doon lang ako medyo nalungkot..

Ang audio naman ay medyo okay na sa presyo nito. Hindi ganun kalakas pero sakto lang kung sa kwarto lang gagamitin at kung hindi gaano maingay ang paligid. Hindi naman basag yung tunog ng nakuha ko pero hindi rin ganun kabuo ang tunog. Masasabi ko lang e sakto lang. Much better kung gamitan mo ng bluetooth speaker para gumanda tunog at lumakas.

Napansin ko sa kanya e parang mabilis siyang malowbat. Parang sa 100% charge nya e aabutin lang ng 2-3 hours lang. Ginamit ko siya pang download ng mga apps sa Play Store from 65% e naging 20% agad siya in 1 hour. Mukhang ang 100% nito ay aabutin lang ng isang buong movie.

Wag mo masyado asahan ang camera nito lalo na yung sa front camera since napakalabo at mabagal ang front camera. Yung back camera ay okay naman pero yung front camera talaga ang nagpagilid ng luha ko kasi kahit may ring light pa ako habang ginagamit yung selfie camera e may pagkablurry o pixelated yung kuha nya sa harap at parang choppy yung galaw mo sa front camera.

Kung mahilig ka sa games at balak mo ipanglaro ito ng mga larong Mobile Legends, Asphalt 9, NBA 2k20, at iba pang heavy graphics games e pumikit ka nalang at matulog muli kasi isang malaking PANAGINIP ang malaro mo ang mga games na yan sa tablet na ito. Lahat ng mga tinest kong heavy games e puro nag foforce closed kapag nagload na. Yung Mobile Legends hanggang sa pagkatapos lang ng loading saka siya mag cloclose ng kusa, NBA 2K20 naman ay lalabas agad pagkabukas. Ang pwede mo lang malaro dito yung mga 2D games at mga emulators. Masarap naman panlaro ng emulators ito. Tinest ko ang PS1, PSP, SNES at GBA emulators at okay naman siya, full speed naman.

Sa tinggin ko e hindi totoong 10GB ang RAM nito kasi nagsasarado kusa yung app na huling binuksan ko kapag nagbukas ako ng bagong app, hindi siya nag sstay open sa background. Parang nasa 1-2GB lang ata talaga totoong RAM nito. Yung 512GB ROM nito ay isang panaginip. 12GB palang ang nalalagay ko pero nageerror na sa camera at sa pagdownload ng apps, sinasabi lagi ay memory almost full. Nasa 16GB lang ang totoong ROM nito.

Ang pinaka nakikita kong pwedeng-pwede paggamitan nito ay ang online class at media player, lalo na kung sa netflix. Nag try ako ng 1080p sa youtube at sarap naman manood, malinaw, wala lag at bukod sa lahat ay malaki ang screen. Gumagana naman ito sa mga apps pang online class like zoom, etc. pero wag mo na asahan na mamumukaan ka ng mga kausap mo dahil sa “LINAW” ng front camera. Hehehe.... huhuhuhu.

Ang Husga:
Sa price point nitong 5k, masmabuti pang magipon ka nalang ng bahagya at pumili nalang ng ibang tablet dahil hindi siya worth it. Pero kung nabili mo lang ito sa presyo ng pagkabili ko na P1,800, sakto na ang presyo nya. At tandaan, kung ikaw ay gamer e iwasan mo itong tablet na ito, pero kung gagamitin mo lang pang social sites at online class e okay naman ang tablet na ito.

1 comment: