Tuesday, May 19, 2020

Battle of the Bluetooth Transmitters (Review)



Nintendo Switch is lacking one great feature, at iyon ay ang kakayahan nitong gumamit ng bluetooth audio device. Napaka laking halaga nito specially sa mga tulad kong mahilig gumamit ng bluetooth earphone/headset kapag naglalaro. Gusto ko kasi kulob ang audio sa nilalaro ko para dinig ko lahat maski patak ng tubig sa paligid. Buti nalang, may mga gwapo at magagandang developer ang nakalikha ng isang transreceiver o transmitter para sa mga tulad kong gwapo na may pagkukulang. Ang isa sa mga ito ay ang company ng Ugreen at GuliKit.

Ang Gulikit ay naglabas ng Route+/Pro noong 2018 at Route Air noon namang 2019. Ang Ugreen Bluetooth Transmitter naman ay nilabas nitong taon lang. Lahat ay may iisang layunin, ang bigyan ng buhay ang ating mga magigiting na bluetooth earphone/headset/speaker para paglingkuran ang ating mahal na Nintendo Switch.


GuliKit Route+


Ang GuliKit Route+ ay ang kauna-unahang Bluetooth Transmitter na ginawa ng ating mga butihing developer sa GuliKit. Kinalaunan ay naglabas din sila ng GuliKit Route+ Pro na may additional na mic at rearward adapter na magagamit mo para mas mapaganda ang paglalaro mo sa iyong minamahal na Nintendo Switch. 

Madali lang ito gamitin, i-kabit lang sa Type-C port ng Nintendo Switch at pindutin hanggang 3 segundo ang hindi kaaya-ayang button nito sa gitna ng transmitter na ito hanggang umilaw ng pula at bughaw ito ng paulit-ulit. Dito na bubuksan ang bluetooth earphone/headset para ipares sa Route+. Kapag napares na, hindi na kailangan pang ipares ulit kapag gagamitin muli ito. Hanggang dalawang headphone/earphone ang kaya nitong paganahin ng sabay. Kumukuha din ito ng power sa mismong Nintendo Switch, kaya medyo lalakas lang ang konsumo ng battery sa ating butihing Nintendo Switch.





Kapag ang iyong nabili ay ang GuliKit Route+ Pro, may kasama siyang rearward adaptor. Ang gawain nito ay itago sa likod ang PANGIT tignan na Route+ na nakakabit sa Nintendo Switch. Masmaganda kung gagamitin ito para maiwasan din ang masagi-sagi natin ang Route+ at maging dahilan pa ng aksidenteng pagkasira ng Type-C port ng Nintendo Switch.




Isa sa nagustuhan ko sa Route+ ay ang kakayahan nitong magcharge ng Nintendo Switch kahit nakakabit ito. May extra saksakan kasi ng Type-C sa ilalim na bahagi nito para pagkabitan ng charger cable. Ang iba ay walang ganitong feature.

Sinosoportahan nitong GuliKit Pro ang Apt-X at Apt-X LL codecs. Meaning, less or almost no delay sa audio ng games at videos. Mas maganda kung supported ng iyong headset/earphone ang Apt-X LL para walang talagang delay sa audio. Ang KZ ZSN Pro with Bluetooth 5.0 Apt-X HD upgrade cable kong ginamit ay 0 delay sa audio. Tinesting ko ito sa mga rhythm games like Project Diva at Superbeats Xonic at parehas ng larong ito ay 0 delay. Swabeng-swabe ang pagka synchronize ng music sa laro.

Ang presyo ng GuliKit Route+ Pro ay naglalaro sa halagang P1,100-1,800 depende sa seller.

Link to Purchase: LAZADASHOPEE




GuliKit Route Air (Color)


Ang Gulikit Route Air (Color) ay ang upgraded(?) version ng Gulikit Route+. Ito ay mas maliit at mas maganda tignan kapag nakakabit sa Nintendo Switch. Ang model naman na ito ay mas detalyado ang mga function base sa naka-connect na earphone/headphone/speaker dito. Makikita mo ang mga supported codec ng isang naka-connect na earphone/headphone/speaker dito base sa ilaw sa ilalim ng GuliKit Route Air. Makikita mo rin sa baba kung ilang earphone/headphone/speaker ang nakakabit. 




Isa sa napansin ko sa GuliKit Route Air ay mas maganda ng bahagya ang audio quality nya compared sa Route+. Tinesting ko siya sa ibat-ibang laro at parang nagagandahan ako sa quality ng audio nya kapag ito ang gamit ko. Hindi ko sure kung bakit pero based sa experience ko e mas gusto ko ang audio quality nito kung sa Nintendo Switch gagamitin. Sa PC naman ay baligtad naman, mas maganda quality ni GuliKit Route+ kesa kay Route Air. Ang gulo ng life!

Tulad ng GuliKit Route+, napakadali din nya gamitin. Plug and play lang siya sa ating Nintendo Switch at need lang ihold ng ilang segundo ang mga buttons nito sa ilalim para mag pairing mode. Masmaganda o masmadali din pindutin ang mga buttons nito compared sa Route+ pro na parang masisira ang port ng Nintendo Switch mo kapag pinindot mo yung button.

Meron din siya support ng Apt-X at Apt-X LL tulad ng Route+ kaya halos parehas lang sila ng function ni Route+. Same lang din sila na sa Nintendo Switch kumukuha ng power para gumana.

Ang hindi ko lang nagustuhan dito ay wala siyang extra Type-C port para kung magchacharge ka ng Switch e hindi mo na kailangan pa tanggalin itong Route Air. Hindi tulad ng Route+ na merong extra Type-C port para kahit hindi mo na alisin yung Route+ e makakapagcharge ka pa rin.

Ang presyo ng brand new Route Air ay naglalaro sa halagang P800-1,000 depende sa seller. Mas mura ito kesa sa Route+ Pro.

Link to Purchase: LAZADASHOPEE




UGreen Bluetooth Dongle for Nintendo Switch


Itong UGreen Bluetooth Dongle ay galing sa isa sa pinaka paborito kong company. Isa siya sa pinagkakatiwalaan kong company pagdating sa quality. Kakaiba itong dongle na ito dahil imbes na sa Type-C port siya kinakabit e doon na siya sa audio port kinakabit. Naaadjust din bahagya yung nakalaylay sa likod nito para magkasya kahit may case pa ang iyong Nintendo Switch.




Compared sa Route+ at Route Air, may sariling power source itong bluetooth dongle. Meron siyang built-in 120mAh battery sa loob at kaya nyang tumagal ng 8 hours sa isang full charge. Para sa akin ay wala itong kaso kahit 8 hours lang ang itatagal dahil siguradong mas mauuna pang malowbat ang Nintendo Switch ko kesa dito.

Ang audio quality nito ay halos katulad ng sa Route Air. Maganda ang quality at hindi napuputol dahil sa taglay nitong lakas na v5.0 BT. May napansin lang akong napakahinang hissing sound kapag nagiiscroll ako sa Home Menu ng Nintendo Switch pero wala naman ito kapag sa laro na. Wala akong narinig na hissing sound sa Route+ at Route Air.




Napakadali lang din i-pair nito sa headset/earphone/speaker. Kailangan mo lang pindutin ng 3 seconds ang power button para mag pairing mode. Tulad ng Route+ at Route Air, kaya din nya mag connect ng dalawang headset/earphone/speaker ng sabay. Meron din siyang Apt-X at Apt-X LL codec. Halos parehas din itong UGreen Transmitter ng features ng Route+ at Route Air.






Isa sa advantage nitong UGreen Transmitter ay pwede mo siya magamit sa kahit anong gadget na walang bluetooth basta may audio port lang. Ito ang wala sa Route+ at Route Air. Para sa akin ay ito ang kanyang selling point.

Ang presyo nitong UGreen Bluetooth Transmitter for NSW ay P826 lang. Ito ang pinakamura sa tatlo.

Link to Purchase: LAZADASHOPEE


CONCLUSION


Bilang isang tao na mas gustong gumamit ng bluetooth earphone/headset/speaker, ang pinaka nakitaan ko ng mas malaking halaga ay ang UGreen Transmitter. Isa sa nagustuhan ko dito ay ang kakayahan nitong magamit sa iba kong gadget na walang bluetooth. Binigyan nya ng buhay at kulay ang mga ito. Isa pa, ito din ay mas mura kesa sa iba. Doon ako sa kung saan magagamit ko sa maraming bagay para masulit ko ang aking binayaran.



Maraming salamat sa mga bumasa ng aking munting review at alam ko na karamihan ay dumiretso na agad sa conclusion. Pasesnya na rin sa akin grammar at kung ano man ang pagkakamali sa review kong ito dahil hindi din ako bihasa sa pagsusulat. Maraming salamat po. Bow!

No comments:

Post a Comment